Naaresto ang dalawang indibidwal na kapwa kabilang sa listahan ng mga most wanted person sa antas panlalawigan at panlungsod sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng mga pulisya sa Candon City, Ilocos Sur, noong Oktubre 13, 2026.
Ayon sa Ilocos Sur Police Provincial Office o ISPPO, isinagawa ang mga operasyon ng Candon City Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng law enforcement, bilang bahagi ng pinaigting na pagtugis sa mga wanted person.
Naunang naaresto ang 25-anyos na akusado na kabilang sa Top 4 Most Wanted Person sa antas panlalawigan. Nahaharap siya sa kasong sexual assault, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000, at qualified rape of a minor, na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, naaresto rin ang isang 42-anyos na akusado na kabilang naman sa Top 5 Most Wanted Person sa antaspanlungsod. Nahaharap siya sa kasong qualified rape of a minor, na wala ring inirekomendang piyansa.
Ayon sa pulisya, bahagi ang mga pag-arestong ito ng patuloy na pagsisikap na matunton ang mga wanted person,maipatupad ang batas, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Ilocos Sur. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










