PRESYO NG ITLOG SA DAGUPAN CITY, TUMAAS NG ₱3 KADA TRAY

Tumaas ng tinatayang ₱3 kada tray ang presyo ng itlog sa ilang pamilihan sa Dagupan City, kasabay ng bahagyang pagkonti ng suplay.

Ayon sa ilang manlalako sa Malimgas Market, kabilang sa mga posibleng nakaaapekto sa suplay ang mainit na panahon at umano’y pag-iimbak ng ilang negosyante.

Sa kabila nito, tiniyak ng mga manlalako na sapat pa rin ang suplay ng itlog sa merkado, bagama’t bahagya itong nabawasan.

Sa kasalukuyan, umaabot sa ₱300 kada tray ang presyo ng itlog sa ilang tindahan.

Ang large eggs ay nagkakahalaga naman ng ₱270 kada tray o ₱9 bawat piraso, ₱210 kada tray o ₱7 bawat piraso para sa medium, at ₱195 kada tray o ₱6.50 bawat piraso para sa pinakamurang klase ng itlog.

Samantala, magkakaiba ang karanasan ng mga manlalako sa bentahan ngayong ber months.

Maayos umano ang benta para sa ilan, habang katamtaman lamang ang naitatala ng iba.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas ng presyo at pagbaba ng suplay, nananatiling sapat ang itlog sa mga pamilihan, habang hindi pare-pareho ang takbo ng bentahan para sa mga manlalako. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments