Dalawang pasyente ng RPHS, naglihim ng kanilang health status; ilang bahagi ng pagamutan ini-lockdown

Inihayag ng pamunuan ng Antipolo City na naka-lockdown mula kagabi hanggang ngayong araw ang Emergency Room at Operating Room ng Rizal Provincial Hospital System (RPHS) Annex 2 sa Antipolo City.

Isasailalim sa malawakang disinfection ang pagamutan dahil sa may isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang may isa pang suspected patient.

Sa Facebook post ni Antipolo City Mayor Andrea Andeng Ynares, kapwa nagsinungaling at hindi nagdeklara ng kanilang tamang health status ang dalawang pasyente nang suriin ng mga doktor.


Samantala, mananatili namang bukas ang iba pang bahagi ng ospital tulad ng COVID-ER, Outpatient Department gayundin ang tatlo pang pampublikong ospital sa Antipolo para sa mga medikal na pangangailangan ng mga residente.

Facebook Comments