Dalawang Tulak ng Droga, Timbog sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang tulak ng droga kabilang ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Hernandez Compound, Purok-4, Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na sina Rex Cabanilla, 43 taong gulang at Andrei Beneza , 40 taong gulang, kapwa residente ng Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya.

Matapos magpositibo ang inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad, nakumpiska mula sa pag-iingat ni Cabanilla ang pitong (7) pakete ng hinihinalang “Shabu”; isang (1) keypad cellular phone; isang (1) flash drive; pitong (7) Identification Cards; ang isang libong pisong buy-bust money at isang motorsiklo.

Nakumpiska naman mula kay Beneza ang tatlong (3) pakete ng hinihinalang “Shabu”; isang daang piso na pera at isang (1) keypad cellphone.

Kalukuyan namang nasa kustodiya ng Bambang Police Station ang dalawang nahuling suspek at sila’y nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments