82 Wanted Persons, Arestado sa Isang Araw na SACLEO ng PRO2

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 82 na wanted persons ang nahuli ng mga alagad ng batas sa ikinasang isang araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lambak ng Cagayan.

Mula sa 82 wanted persons, lima (5) sa mga ito ay mga Top Most Wanted.

Bukod dito, nakaiskor rin ang PRO2 ng walong drug personalities kung saan nakumpiska ang tinatayang nasa 1.744 grams ng β€œShabu” at 12.138 gramo ng β€œMarijuana” na may Dangerous Drug Board (DDB) value na Php 12,069.00 at Php 2,069.00.

Mayroon din nahuli na dalawang (2) lalaki dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; 44 katao sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling Act at apat (4) na katao na lumabag sa PD 705.

Samantala, nagresulta rin ang SACLEO ng PRO2 sa pagsuko ng 37 na NPA supporters at limang (5) rebelde na na-neutralize.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Steve B Ludan, PRO2 Regional Director ang nagawang accomplishments ng kapulisan sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments