Umabot sa 469 kilo ng recyclable waste ang nakolekta sa isinagawang Palit Basura Caravan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Alaminos City.
Ang programa ay inilaan para sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan at binuksan din sa publiko upang mahikayat ang mas malawak na partisipasyon sa wastong pamamahala ng recyclable waste.
Bilang kapalit ng kanilang mga naipong recyclable materials, tumanggap ang mga kalahok ng grocery items.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, layunin ng Palit Basura Caravan na isulong ang tamang segregasyon at pagrerecycle ng basura habang hinihikayat ang komunidad na maging aktibong katuwang sa pangangalaga sa kapaligiran,
Kabilang sa mga ipinagpalit na recyclable materials ang mga plastic bottle, karton, at scrap paper.
Inaasahan na ang pagsasagawa ng ganitong programa ay upang sama-samang kumilos sa pagsusulong ng responsableng pamamahala ng basura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








