Friday, October 23, 2026

Palasyo, umaasang ipagtatanggol ng susunod na pangulo ang karapatan sa WPS

Umaasa ang Malacañang na ang susunod na pangulo ng bansa ay magiging maka-Pilipinas at patuloy na ipagtatanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mahalaga na maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang ang mga hakbang para protektahan ang teritoryo at interes ng Pilipinas.

Sinabi ni Castro na nauna nang ipinahayag ng pangulo ang kaniyang hangaring ipagpatuloy ng magiging successor ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon.

Kasunod ito ng pangamba ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na maaaring maapektuhan ang momentum ng mga ginagawa ng gobyerno sa West Philippine Sea matapos ang 2028 elections.

Facebook Comments