Isang concerned citizen ang pinuri matapos kusang-loob na isuko sa san carlos city police station ang pitakang kanyang napulot sa barangay antipangol, san carlos city.
Naglalaman ang naturang pitaka ng pera at mahahalagang dokumento na agad namang inaksyunan ng mga awtoridad upang mahanap ang tunay na may-ari.
Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon ng kapulisan, matagumpay na nakontak at naibalik sa may-ari ang pitaka kasama ang lahat ng laman nito.
Patunay ang naturang insidente na nananatiling buhay pa rin ang katapatan at malasakit sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








