Friday, May 8, 2026

Dapat Isa Lang Movement, planong wakasan ang political dynasty sa Pilipinas

Isinusulong ng Dapat Isa Lang Movement ang isang genuine anti-political dynasty law sa pamamagitan ng people’s initiative para limitahan ang mga political dynasty family na humawak ng sabay-sabay sa iba’t ibang pwesto sa bansa.

Iginiit ng grupo sa manifesto na pinirmahan ng mga convenor na nauubos na umano ang pasensya ng mga Pilipino sa iilang pamilya na siyang nagsusulat ng batas, humahawak ng budget, at nagpapanatili sa sarili sa pwesto, kung kaya’t hindi na umano sapat ang pagrereklamo lang at mismong mga Pilipino na ang kailangang gumawa ng paraan.

Sa panukala ng grupo, dapat ay isang pwesto sa bawat pamilya lang ang uupo sa nasyonal at isa rin sa lokal, na sakop hanggang fourt degree at may one-term cooling-off dapat bago makabalik sa pwesto.

Samantala, pinangunahan ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Dapat Isa Lang Movement, kasama ang grupong Kontra Dinastiya, Simbahang Lingkod ng Bayan, Clergy for Good Governance, 1SAMBAYAN, Justice Reform Initiative at iba pa.

Facebook Comments