Nanawagan ang Dasol Municipal Police Station (MPS) sa lahat ng motorista na maging responsable at maingat sa pagmamaneho upang makatulong sa pagpigil sa mga aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng road users.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson T. Orilla, OIC, hinikayat ng Dasol MPS ang mga driver na pairalin ang disiplina, pasensya at paggalang sa kapwa motorista at pedestrian.
Paalala ng pulisya sa mga motorista na mahalagang sumunod sa mga batas-trapiko, igalang ang karapatan ng ibang road users, iwasan ang paggamit ng cellphone o iba pang distractions habang nagmamaneho, at sundin ang itinakdang speed limit.
Mahigpit ding ipinapaalala na huwag magmaneho kapag nasa impluwensya ng alak o mga ipinagbabawal na substance, dahil maaari itong maglagay sa panganib hindi lamang sa driver kundi maging sa ibang gumagamit ng kalsada.
Ayon sa Dasol MPS, ang bawat maingat at responsableng desisyon sa likod ng manibela ay makatutulong upang maiwasan ang road crashes at maprotektahan ang buhay ng mga motorista at iba pang road users. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











