Isinagawa ng San Nicolas Municipal Police Station (MPS) ang Oplan Bandillo at community dialogue bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang seguridad at maiwasan ang mga insidente ng krimen sa bayan.
Pinangunahan ni PMAJ George D. Banayos Jr., Chief of Police, ang aktibidad na nakatuon sa crime prevention at pagpigil sa mga insidente ng pagnanakaw, salisi at robbery. Kabilang sa isinagawang aktibidad ang visibility patrols, area monitoring at pakikipag-ugnayan sa mga residente.
Nagbigay rin ng mga paalala ang mga pulis tungkol sa kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at pagsasagawa ng mga kinakailangang pag-iingat upang maprotektahan ang kanilang mga ari-arian.
Patuloy namang ipinapahayag ng San Nicolas MPS ang kanilang commitment na mapanatili ang ligtas, mapayapa at maayos na pamayanan sa pamamagitan ng regular na police visibility at pakikipag-ugnayan sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











