MATINDING INIT, BANTA SA ANI NG BANGUS GROWERS SA DAGUPAN CITY

Hindi lang tao ang apektado ng matinding init kundi pati ang mga bangus sa palaisdaan na namamatay dahil dito.

Ayon kay Rodel, tatlong taon nang caretaker ng palaisdaan sa Sitio Calamiong, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, mas tumataas ang bilang ng namamatay na bangus kapag matindi ang init ng panahon.

Tinatayang nasa 20 bangus kada araw ang nababawas sa kanilang palaisdaan, na direktang nakaaapekto sa kanilang aanihin at kita dahil patuloy din ang kanilang gastos sa feeds.

Taon-taon umanong nararanasan ang ganitong problema sa mga palaisdaan at ilog, lalo na kapag low tide at mainit ang panahon.

Dahil dito, gumagamit umano sila ng water pump para mapanatili ang kondisyon ng tubig, na nakatakda ring gamitin sa mga susunod na buwan kung saan inaasahang magiging mas mainit ang panahon.

Sa gitna ng tumataas na panganib sa kanilang ani, malaking hamon para sa mga bangus growers ang mapanatili ang produksyon habang patuloy na tumataas ang gastos sa pagpapalaki ng isda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments