Dating 3-time NBA Slam Dunk champ na si Nate Robinson, sasabak sa boxing ring kontra American You Tuber Jake Paul

174

Sasabak na sa boxing ring ang dating 3-time NBA Slam Dunk champion na si Nate Robinson kontra sikat na American YouTuber na si Jake Paul.

Ang 6-round na laban ng dalawa ay mangyayari sa November 28, 2020 bilang undercard fight sa bakbakan nina Mike Tyson at Roy Jones Jr. na gaganapin sa Dignity Health Park, Carson, California.


Aminado si Robinson na malaking adjustment ang kaniyang ginagawa lalo na’t wala pa siyang experience sa pagboboksing kung saan dalawang beses kada isang araw siya kung mag-ensayo sa gym.

Matatandaan na huling naglaro sa NBA ang 36-anyos na si Robinson sa New Orlean Pelicans noong 2015-2016 season bago ito nagpunta sa iba’t ibang ball club hanggang sa magdesisyon sumabak sa boxing ring.

Facebook Comments