Nanawagan ang ilang barangay dito sa Dagupan City sa mga kabataan at kwalipikadong residente na magparehistro na ngayong Mayo 18 na itinakdang huling araw ng voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng mga opisyal ng barangay sa Binloc na isinisiwalat kada sitio ang panghihikayat sa first-time at SK voters gayundin ang iba pang barangay na makahabol bago magsara ang registration period ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa COMELEC, mula nang magsimula ang voters’ registration sa isang mall sa Dagupan noong Mayo 12, nakapagtala sila ng pagtaas ng bilang ng mga registrants na umaabot sa humigit-kumulang 100 katao kada araw.
Samantala, nagpaalala rin ang ahensya sa mga aplikante na maagang magparehistro sa COMELEC office ngayong araw, alas-8 ng umaga, para hindi maabutan ng pagsasara ng registration system mamayang alas-5 ng hapon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







