Saturday, July 18, 2026

One Education Program, pinagtulungang ilunsad ng tatlong ahensya ng gobyerno

Inilunsad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang One Education Program, isang inisyatiba ng tatlong ahensya upang lalo pang mapalakas ang ugnayan ng basic education, kolehiyo, technical-vocational training, at paghahanda sa trabaho o negosyo.

Layon ng programa na gawing mas madali at malinaw ang paglipat ng mga estudyante mula sa isang antas ng edukasyon patungo sa susunod na antas hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral at makapagsimula nang magtrabaho.

Maliban sa nasabing programa, ipinakilala rin ang Education Reform Fellowship Program, isang programang magre-recruit, magte-train, at magme-mentor ng mga young professionals na tutulong sa implementasyon ng mga reporma sa edukasyon at workforce development.

Samantala, nilagdaan din ng tatlong ahensya at ng Analytiks Inc. ang memorandum of agreement para sa Project Tahanan, isang inisyatibang magpapalakas umano sa learner traceability at secure na pagbabahagi ng learner data upang makabuo ang pamahalaan ng mas epektibong mga polisiya at programa sa edukasyon.

Facebook Comments