Monday, July 20, 2026

Malacañang, pinabulaanan ang alegasyon ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi inaprubahan ni PBBM ang ₱10,000 ayuda

Mariing itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi umano inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ₱10,000 cash assistance para sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang basehan ang mga alegasyon ni Cayetano at inakusahan pa ito ng paggawa ng intriga sa halip na akuin ang sariling pagkukulang.

Iginiit din ni Castro na maglalabas ang Malacañang ng ebidensya upang pabulaanan ang mga pahayag ng senador.

Batay sa pahayag ni Cayetano, inirekomenda niyang ipagpatuloy ang target na pamamahagi ng ayuda nang maupo sa puwesto si Pangulong Marcos noong 2022, ngunit hindi umano ito sinang-ayunan ng Pangulo.

Inakusahan din ng senador ang pamahalaan na ngayon lamang inilabas ang ayuda matapos umanong mawaldas o manakaw ang malaking pondo.

Facebook Comments