Dating COMELEC Spokesman James Jimenez, nagretiro na

111

Nagretiro na si dating Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez.

Ayon kay COMELEC Chairman Erwin Garcia, naghain ng optional retirement si Jimenez noong August 2 bilang Director IV ng Education and Information Department.

August 31 aniya nang aprubahan ng COMELEC En Banc ang retirement ni Jimenez.


Paliwanag ni Garcia, epektibo ang optional retirement ni Jimenez sa September 15, 2022 alinsunod sa Civil Service Rules.

Sa ngayon, wala pang napipiling kapalit sa puwesto ni Jimenez.

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Jimenez matapos na hindi mabayaran ang P14 milyon sa Sofitel Hotel kaugnay presidential at vice presidential debate para sa May 2022 national elections.



Facebook Comments