Dating courier ng communist terrorist group sa Abra, sumuko sa militar

54

Kusang loob na sumuko sa tropa ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang dating courier ng CPP-NPA terrorist sa Brgy. Amtuagan, Tubo, Abra.

Ayon kay 7th Infantry Division Commander Maj. Gen. Andrew Costelo, ang sumukong dating New People’s Army (NPA) ay si alyas Tirso na nagsilbing courier ng NPA.

Taong 1983 nang ma-recruit si alyas Tirso at nagsilbing courier ng pagkain, sulat at medical supplies sa Brgy. Amtuagan, Tubo, Abra at ibinibigay sa Sangay Yunit Propaganda na pinaniniwalaang pinamumunuan ng isang Carlos alyas Diz at alyas wally.


Isinuko rin ni alyas Tirso ang kanyang armas habang nagpasalamat sa kanya ang militar dahil sa pagtitiwala nito para sumuko sa gobyerno.

Tiniyak naman Costelo na hindi sila titigil sa panawagan sa mga miyembro ng CPP-NPA na sumuko na dahil hindi sila titigil sa kanilang maigting na operasyon.

Facebook Comments