Itinalaga si dating Executive Secretary at dating Pangasinan Governor Oscar Orbis bilang bagong pinuno ng People’s Television Network o PTV 4.
Una na ring itinalaga ng pangulo bilang acting chair at miyembro ng board of director ng PTV si Orbos. Kinumpirma ito ni PCO Acting Secretary Jay Ruiz kung saan palitan ni Orbos si Toby Nebrida.
Naging secretary din ng Transportation and Communications sa ilalim noon ng dating administrasyon ng yumaong Presidente Corazon C. Aquino mula 1990 hanggang 1991.
Si Orbos ay tubong Bani na Nagsilbi rin bilang Congressman sa Pangasinan first district mula 1987 hanggang 1990 at bilang governor ng probinsya mula 1995 hanggang taong 1998. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments