Labis na ikinatuwa ng ilang mangingisda sa San Nicolas West Agoo, La Union ang higanteng blue marlin na nahuli sa baybayin noong March 1.
Paglalarawan ng mga ito sa IFM News Dagupan, nakabawi sila sa isang araw lamang na huli dahil sa blue marlin na itinuturing nilang biyaya ng langit.
Umabot sa 49kilos ang naturang blue marlin at agad ibinenta sa halagang P200-220 ang kada kilo.
Kamakailan ay pinasinayaan ng BFAR Region 1 ang isang Multi-Species Fish Hatchery sa Brgy.Sta. Rita Central sa bayan na maaaring pagkunan ng libreng fingerlings ng mga mangingisda bilang pagpapalakas sa sektor ng pangingisda.
Kaugnay nito, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang industriya ng agri-fishery sa pagpapatupad ng livelihood projects sa mga mangingisda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨