Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang paaralan at mga Parent-Teacher Association (PTA) Presidents sa Rosales, Pangasinan para sa Dengue Awareness Activity.
Ayon sa ulat, sa ilalim ng programa, tinuruan ang mga kalahok hinggil sa dengue prevention, lalo na sa mga paaralan.
Tampok sa aktibidad ang lecture sa Dengue Surveillance and Integrated Vector Management (IVM) kung saan ipinaliwanag ang tamang pag-iwas at pagkontrol sa mga lamok na nagdadala ng sakit.
Sinundan ito ng isang rekorida o public announcement sa mga pangunahing lansangan ng Rosales para ipalaganap ang dengue prevention, maging ang aktwal na pagsasagawa ng Integrated Vector Management activities na nilahukan ng mga dumalo.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Department of Health – Center for Health Development Ilocos Region, katuwang ang Pangasinan Provincial Health Office at Rural Health Unit of Rosales. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








