Wednesday, August 26, 2026

Mga pekeng quote cards sa social media, dapat imbestigahan ng CICC

Iginiit ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na imbestigahan ang pekeng quote cards o statement na ikinakalat sa social media.

Inihalimbawa ni Ridon ang pekeng pahayag ni Defense lawyer Michael Poa para palabasin na galit ito sa kanya na naka-post sa Facebook page ng Central Luzon News Update.

Sabi ni Ridon, ang nasabing account ay ilang beses na ring naglabas ng imbentong quotation cards ng mga miyembro ng House prosecution panel.

Ayon kay Ridon, bunsod nito ay plano ng House Prosecution Team na hingin ang tulong ng CICC para tukuyin kung sino ang nasa likod ng nabanggit na mga material online.

Sabi ni Ridon, ang gagawing imbestigasyon ng CICC ay dapat tumutok sa pinagmulan, nagpapakalat, at intensyon ng mga pekeng quote card upang maprotektahan ang mga lehitimong balita, kritisismo at komentaryo.

Facebook Comments