Dating Philippine Azkals Captain Stephan Schrock, naglabas ng damdamin kaugnay sa masamang pagtrato sa kaniya ng management ng football team

129

Idinaan sa social media ni dating Philippine Azkals Captain Stephan Schrock ang reklamo nitong masamang pagtrato sa kaniya ng mga taong nagma-manage ng Philippine National Football Team.

Batay sa kaniyang Facebook post, sinabi nitong hindi raw ito magaling upang mapasama sa squad ngunit pinagbabawalan din na makipaglaban dito.

Lumabas ang pahayag ni Schrock matapos inatasan muli bilang head coach ng Azkals si Thomas Dooley.


Mababatid na nagkaroon ng pagtatalo sina Schrock at Dooley noong 2014 dahil sa hindi pagpayag ng Azkals couch na makalaro si Schrock para sa kupunan.

Samantala, inanusyo ng returning coach na pito sa manlalaro ng Philippine National Football Team ang hindi makakasali sa Mongolia para sa AFC Asian Cup Qualifiers sa darating na June 8-14.

Facebook Comments