Ilang kalsada sa Metro Manila, sumailalim sa road repairs ngayong weekend

50

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon sa MMDA, nagsimula na kaninang 11 ng gabi, June 3 ang road repair at madadaan lamang muli pagsapit ng alas singko ng umga sa Lunes, June 6.

Kaugnay nito, inabisuhan ang publiko na maghanap muna ng alternatibong ruta.


Narito ang listahan ng mga daanan na sasailalim sa road repair:

1. EDSA Santolan SB San Juan City innermost lane (Bus way) from V.V. Soliven Driveway going to Rochester Street;

2. EDSA Quezon City NB fronting Cubao Farmers 2nd lane from sidewalk (bus lane) & Aurora Blvd. after Kamuning intermittent section;



3. Along C-5 Road northbound (1st lane) after McKinley Road Makati City;

4. Along C-5 Road soutbound (2nd lane) Makati City;


5. Along Tandang Sora Ave. Quezon City: Visayas Avenue to San Miguel St.;

6. Along Times Street, Quezon City corner West Ave. fronting Kowloon House;

7. Along Commonwealth Ave. Quezon City: Zuzuarregui St. to fronting Diliman Preparatory School (1st Lane from sidewalk);

8. EDSA SB Quezon City along Service Road 2nd block of Timog Ave. intersection Service Road; 2nd Block of Kamuning Road & Service Road; 2nd Block corner Kamuning Road;

9. C.P. Garcia Avenue Quezon City fronting U.P. Ayala TBI (1st block from sidewalk);

10. C-5 Road Pasig City along Pasig Blvd. Southbound in front of Botikang Pinoy & along Doña Julia Vargas Westbound near Sitel Building.

Facebook Comments