Thursday, October 15, 2026

Pondo sa impeachment trial, posibleng sumobra pa

Posibleng sumobra pa ang natitirang pondo para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Tinukoy ni Lacson ang datos mula kay Senate President Sherwin Gatchalian na nagpapakitang sa P25.7 million na pondo sa impeachment na nasa continuing appropriation ng 2025 national budget, may natitira pang humigit kumulang P11 million na budget.

Ayon kay Lacson, sapat na sapat at posibleng sumobra pa nga ang natitirang pondo dahil isang article na lang ang naiwan.

Bukod dito ay presentation na lang ng depensa ang hinihintay na hindi rin naman magtatagal kaya tiyak na may sosobra pa sa naturang pondo ng impeachment.

Naunang itinanggi ni Gatchalian na hindi totoo ang akusasyon ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo na P25 million kada araw ang gastos sa impeachment trial.

Aniya, ang P25 million kada araw ay gastos sa operasyon ng buong Senado kasama na rito ang mga empleyado, mga senador, sweldo, maintenance, rentals at utilities at ito ang kabuuang gastos ng Mataas na Kapulungan may impeachment man o wala.

Facebook Comments