Mahigit 1-M Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga bata, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 1,080,000 na Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno para magamit sa pagbabakuna ng mga batang edad 5 hanggang 11.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang nasabing mga bakuna pasado alas-9:00 kagabi.

Nauna nang natanggap ng bansa ang 1,056,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine pasa sa mga bata nitong Huwebes ng gabi.


Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, umabot na sa 137,351, 822 doses ang naiturok na sa bansa.

Nasa 63,992,620 indibidwal ang fully vaccinated na hanggang nitong March 9.

Facebook Comments