
Umapela si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na protektahan ang lahat ng mga Pilipino mula sa pag-aresto ng dayuhang korte o bansa.
Ang apela ng senador ay kasunod na rin ng warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Dela Rosa, handa niyang harapin ang ang anumang kaso sa lokal na korte at magagalak siya kung dito siya sa bansa haharapin ang mga kaso.
Sinabi pa ni Sen. Bato na kahit naman siguro si Pangulong Bongbong Marcos ay nagiisip-isip na posibleng mangyari sa kanya ang nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Emosyonal na nanawagan ni Sen. Bato kay Pangulong Marcos na huwag siyang ipadala sa the Hague at huwag ipagkanulo sa mga dayuhan hindi lang para sa kanya kundi sa lahat ng mga Pilipino.
Masama rin ang loob ng senador sa mga nangyayari sa kanya dahil matagal na panahon siyang nagsilbi sa bayan.










