DDB SURVEY TEAM, NASA DAGUPAN PARA SA 2027 NATIONAL HOUSEHOLD SURVEY SA DRUG ABUSE

Nasa Dagupan City ang survey team ng Dangerous Drugs Board o DDB para sa pagsasagawa ng 2027 National Household Survey on the Patterns and Trends of Drug Abuse.

Nagsagawa muna ng courtesy visit ang grupo sa pamahalaang lungsod nitong Setyembre 29 bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa survey.

Layunin ng pag-aaral na makakalap ng datos hinggil sa patterns at trends ng drug abuse na maaaring magamit ng mga lokal na pamahalaan at barangay sa pagtukoy sa lawak at mga pangunahing concern kaugnay ng ilegal na droga.

Kabilang sa nakipagpulong sa DDB team sina City Mayor Belen Fernandez, City Legal Officer Atty. Aurora Valle, DILG Dagupan CLGOO Royolita Rosario at Dagupan City Police Director PCOL Arnold Solomon.

Binubuo naman ang DDB team ng mga kinatawan mula sa Policy Studies, Research and Statistics Division at Management Information Systems Division ng ahensya.

Inaasahang makatutulong ang resulta ng national household survey bilang batayan sa pagbuo at pagpapahusay ng mga programa at polisiya laban sa ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments