MGA MAG-AARAL SA BAYAMBANG, TINURUAN SA PAG-IWAS SA RABIES

Pinalalakas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Bayambang, Pangasinan hinggil sa pag-iwas sa rabies at tamang hakbang kapag nakagat o nakalmot ng hayop.

Isinagawa ang Rabies Awareness Lecture noong Setyembre 28, 2026 sa Hermoza Elementary School bilang bahagi ng paggunita sa World Rabies Day.

Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office o MAO at Bayambang Animal Shelter ang aktibidad.

Tinalakay sa mga mag-aaral kung ano ang rabies, paano ito naipapasa, at mga paraan upang maiwasan ang kagat at kalmot ng mga hayop.

Ipinaliwanag din ang mga nararapat gawin sakaling makagat o makalmot, upang makatulong na maiwasan ang paglala ng panganib sa kalusugan.

Kasabay ng lecture, isinagawa rin ang libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa sa Barangay Hermoza.

Patuloy naman ang panawagan sa mga pet owner na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop at maging maingat upang maiwasan ang kagat at kalmot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments