Thursday, May 14, 2026

PNP, tiniyak na walang VIP treatment sa pagsisilbi ng ICC warrant kay Sen. Bato

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang “special treatment” kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sakaling tuluyang maipatupad ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang puwang ang pabor-pabor kahit pa dating hepe ng Pambansang Pulisya si Dela Rosa.

Giit ni Nartatez, obligasyon ng PNP na tupdin ang batas nang walang kinikilingan at walang inuurungan, lalo na sa pagsisilbi ng warrant of arrest.

Nakahanda aniya ang buong hanay ng pulisya sa anumang operasyon at patuloy nilang pinaigting ang koordinasyon sa Department of Justice (DOJ) at iba pang law enforcement agencies upang matiyak na maayos at tama ang pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments