Sunday, May 17, 2026

Misa para sa kapayapaan at pananagutan, isasagawa sa EDSA Shrine mamayang tanghali

Isang misa ang idaraos sa EDSA Shrine ngayong tanghali para ipanawagan ang kapayapaan at pananagutan.

Ito ay kasunod ng nangyaring insidente kamakailan sa Senado dahil sa umano’y tangkang pag-aresto kay Senator Bato dela Rosa at ang pagdating sa kanila ng articles of impeachment.

Ayon sa Clergy for Good Governance, nananawagan sila sa Senado na gampanan ang tungkulin sa bansa at hindi sa mga alyansa pampulitika, mga dynasty o personalidad.

Umapela rin sila kay Sen. Bato dela Rosa na magkaroon ng accountability at harapin ang responsibilidad nang may transparency, kababaang loob at paggalang sa rule of law.

Pangungunahan ni Novaliches bishop emeritus Teodoro Bacani Jr. ang misa mamayang alas-12 ng tanghali.

Magkakaroon din muna ng programa sa labas ng EDSA Shrine ngayong alas-10 ng umaga.

Facebook Comments