Debris na sinasabing mula sa bumagsak na ambulance chopper, susuriin pa ng CAAP investigators

Ayaw pang kumpirmahin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kung sa nawawalang air ambulance ang mga natagpuang debris sa karagatan ng Palawan.

Ayon sa CAAP, kailangan munang masuri ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators ang mga narecover na debris.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS) na ang natagpuang R404A tank ay hindi sa nawawala nilang aircraft.


Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations ng air assets sa Palawan.

Ito ay bagama’t pansamantalang humimpil ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ligtas na lugar dahil sa masamang panahon.

Facebook Comments