
Isasailalim sa preliminary investigation ng Office of the Ombudsman si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at kanyang ina, Senator Loren Legarda, para sa Graft at Plunder complaints.
Ito ay kaugnay sa umano’y proyekto na nagkakahalaga ng P10-B ng mga solar energy company ni Leviste noong 21 anyos palang siya, na nagkaroon umano ng ekslusibong prangkisa o exclusive service contracts sa buong bansa, na ang ibig sabihin umano ay mga kumpanya lang ni Leviste ang pwedeng mag-produce at magbibenta ng solar energy.
Ayon kay Ombudsman Boying Remulla, hindi umano makakakuha ng eklusibong prangkisa ang mga solar energy company ni Leviste kung hindi umano ito tinulungan ng kanyang ina na si Senator Loren Legarda gamit ang kaniyang posisyon noon bilang chairperson ng Finance ng senado.
Giit pa ni Remulla, hindi umano tinupad ng solar energy company ni Leviste ang pangako na magpo-produce ng kuryente, at ang nakalimbag sa Philippine Energy Plan ang umanoy production na gagawin ng solar pero hindi naman umano nagawa dahil ibinenta lang na nagresulta sa pagiging ghost electricity.
Samantala, isasailalim din si CWS Party-list Representative at contructor Edwin Gardiola sa preliminary investigation para sa 20 counts ng malversation, dahil sa umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan.
Sa 157-page na investigation report, lumabas umano na nakipagtulungan si Gardiola sa ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), private contractors, at mga myembro ng Commission on Audit para i-divert ang pondo ng mga proyekto sa pansariling kita.










