
Pinapa-imbestigahan ni CIBAC Party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva sa House of Representatives ang tumataas na kaso ng mga karahasan sa mga guro kung saan ang ilan ay nagresulta sa kanilang pagkasawi.
Kasabay nito ay iginiit ni Villanueva sa Department of Education (DepEd) at iba pang kaukulang ahensya na magsagawa ng magsagawa ng comprehensive review sa implementasyon ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education Act of 2020.
Diin ni Villanueva, nakakaalarma ang mga kaso ng pananakit at pagpatay sa mga guro gayundin sa mga estudyante.
Ayon kay Villanueva, ang mga paaralan ay dapat lugar ng pagkatuto at paghubog sa pagkatao ng mga bata kaya dapat ito ay palaging ligtas para lahat lalo na sa mga guro at estudyante.
Kaugnay nito ay iginiit din ni Villanueva ang pagtutulungan sa pagitan ng magulang, paaralan, simbahan, komunidad at pamahalaan para mapabuti para mapalaki ng maayos ang mga bata tungo sa pagiging mabuting mamamayan.










