Defense Secretary Delfin Lorenzana, nanatili sa ospital matapos mahilo at matumba kaninang umaga

60

Hindi na muna pinauwi si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng mga doktor sa isang pribadong ospital.

Ito ay matapos na mahilo ito at matumba kaninang umaga habang nakikiisa sa programa sa Maynila kaugnay sa pagdiriwang ng Independence Day.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong, gusto na raw umuwi ng kalihim pero pinigilan siya ng mga doktor dahil patuloy pa ang ginagawang obserbasyon sa kaniya.


Kasama ngayon ng kalihim ang kaniyang misis sa hospital.

Sinabi ni Andolong, biglang nanlambot si Secretary Lorenzana kaya bigla itong nahilo at natumba pero hindi nahimatay.

Facebook Comments