Maayos na kalusugan para kay Secretary Lorenzana, dasal ng isang senador

47

Ipinagdarasal ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang maayos na kalusugan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Panalangin ito ni Lacson, makaraang matumba at mawalan ng malay si Lorenzana habang siya ay dumadalo sa Independence Day flag-raising ceremony sa Maynila kahapon.

Si Lacson ang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security at siya ay upperclassman din ni Lorenzana sa Philippine Military Academy (PMA).


Kaugnay nito ay masayang ibinalita naman ni Senator Christopher “Bong” Go na maayos na ang kondisyon ni Lorenzana.

Inihayag ito ni Go, matapos nilang kumustahin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lorenzana sa pamamagitan ng video call.

Umaasa si Go na magiging magiging lubos na agad ang pagbuti ng kondisyon ni Lorenzana.



Facebook Comments