
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko matapos umabot na sa ilang lugar sa bansa ang haze mula sa sunog sa Kalimantan, Indonesia.
Napapadpad ang haze na nagdudulot ng maduming hangin sa bansa dahil sa hanging habagat.
Sa pinakahuling ulat mula sa Office of Civil Defense, kasalukuyang binabantayan ang kalagayan ng hangin dahil sa haze na nakakaapekto sa mga lugar sa Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Cebu, Bohol at lahat ng probinsya sa Mindanao.
Paalala para sa mga pampublikong drayber, delivery riders, street vendors at field workers na madalas nasa kalsada, sundin ang mga gabay at paalala mula sa DoH ngayong may haze.
Ito ay para maiwasan ang mga sakit na posibleng sanhi ng haze.
Facebook Comments










