
Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibilidad na tuluyang ipagbawal sa bansa ang Facebook at ilang online games.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na i-ban ang Facebook dahil sa paglaganap ng misinformation at para maprotektahan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bukas ang pangulo sa pag-alis ng anumang maaaring makasama sa kabataan.
Gayunman, sinabi ng Malacañang na kailangan munang pag-aralan kung talagang nakatutulong ang pagbabawal sa pagpigil sa fake news at iba pang panganib na dulot ng social media at online gaming platforms.
Mahalaga rin aniya na managot ang mga platform sa anumang banta sa publiko, lalo na kung may epekto ito sa mga kabataan.
Ilang beses nang inimbitahan sa mga pagdinig ng Senado ang mga kinatawan ng Meta at Roblox para magpaliwanag kaugnay ng mga insidente ng karahasan sa ilang paaralan na sinasabing may kaugnayan sa paggamit ng kanilang mga platform










