
Inaasahan na magkakaroon din ng sariling forensic expert ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa paglalatag ng kanilang mga testigo at ebidensya sa nagpapatuloy na impeachment trial ayon ito kay defense counsel Atty. Michael Poa.
Ayon sa kanya, nasa pagpapasya ng impeachment court kung sila ay magappoint ng independent analyst para i-analyze ang financial transactions ng bise.
Ang pahayag na ito ng depensa ay kasunod ng suggestions ng ilang mga CPA Lawyers na magappoint ng independent CPA ang korte.
Nabatid na kahapon ay nagpresenta ang proseksyusyon ng isang forensic financial analyst bilang kanilang testigo para sa Article 2 case o ang hindi maipaliwanag na yaman ni VP Duterte.
Facebook Comments










