Friday, October 9, 2026

PBBM, walang kinalaman sa paglipat ni Sen. Mark Villar sa majority bloc

Itinanggi ng Malacañang na may kinalaman ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa paglipat ni Senador Mark Villar sa hanay ng mayorya sa Senado.

Kasunod ito ng mga alegasyon ni Sen. Alan Peter Cayetano na may impluwensya ang administrasyon sa naging hakbang ng senador.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bawat senador ay magpapasya batay sa sariling pagsusuri at paniniwala.

Hindi rin naniniwala ang Palasyo na awtomatikong makaaapekto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang paglipat ni Villar sa majority bloc.

Umaasa ang Palasyo na ibabatay ng mga senator-judge ang kanilang desisyon sa mga ebidensya, sa halip na sa kanilang mga alyansang politikal.

Si Villar ay nahalal ding chairman ng Senate Committee on Public Works at miyembro ng Commission on Appointments.

Facebook Comments