Tuesday, August 11, 2026

Defense team ni VPSD, tiniyak na sasagutin nila sa tamang panahon ang isyu kaugnay ng paggamit ng OVP sa confidential funds para sa ilang aktibidad kagaya ng Christmas party, appreciation night, at iba pa

Tiniyak ng defense team ni Vice President Sara Duterte na sasagutin nila ang isyu kaugnay ng paggamit ng OVP sa confidential funds para sa ilang aktibidad na isinagawa noong 2022.

Ayon kay Defense counsel Atty. Michael Poa, sinagot naman na umano ito ng witness na si COA State Auditor Xylene del Campo na base sa pagkakaintindi nya ay ginamit ang confidential funds hindi sa mismong mga event kundi para mapanatili ang seguridad ng mga nasabing aktibidad.

Ayon pa kay Poa, sa tamang panahon ay i-a-adress nila ito para maipakita rin kung anu-ano talaga ang paggamit ng confidential funds at ang saklaw ng pinaggamitan nito.

Nabatid na kinuwestiyon ni House private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang paggamit ng OVP ng confidential funds para sa ilang aktibidad kagaya ng sa Department of Education (DepEd) partners appreciation night, youth camp, medical mission, consultations with barangays, at Christmas activities, na ayon naman sa testimonya ng testigong si Del Campo, ay hindi pinapayagan sa ilalim ng joint circular.

Facebook Comments