Resupply mission ng AFP sa Ayungin Shoal, naging matagumpay

72

Tagumpay ang isinagawang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kahapon, October 5.

Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command sa pamamagitan ng Joint Task Force West sa pangunguna ni Captain Alan Javier.

Aniya, nakapaghatid ang militar ng food supplies, tubig, gamot, maintenance at repair equipment at iba pang pangangailangan sa barko ng Navy.


Ligtas din aniyang nakapasok at nakalabas ang barko na naghatid ng supply sa Ayungin Shoal.

Samantala, sinabi naman ni Vice Admiral Alberto Carlos, commander ng AFP Western Command na naresolba na ang isyu sa pagbiyahe ng barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea kaya wala na silang naging problema sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Giit pa nito na magpapatuloy ang suporta ng WesCom sa morale at kapakanan ng mga sundalo na nagbabantay sa outpost sa Ayungin Shoal.



Facebook Comments