Tuesday, October 6, 2026

DENR, paiigtingin ang kampanya sa water conservation dahil sa El Niño

Muling paiigtingin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang kampanya sa pagtitipid ng tubig dahil sa inaasahang mas matinding epekto ng El Niño.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna na kailangang iwasan ang pag-aaksaya ng tubig habang posibleng kaunti ang ulan sa mga susunod na buwan.

Kabilang dito ang pagbawas sa paggamit ng tubig sa paghuhugas ng sasakyan, paglilinis ng driveway at iba pang gawaing hindi naman kailangan.

Hinihikayat din ang mga pamilya at komunidad na mag-ipon ng tubig-ulan at gamitin muli ang tubig para sa mga gawaing tulad ng pagdidilig.

Muli ring ipatutupad sa mga golf course ang paggamit ng recycled water para sa mga gawaing hindi kailangan ng inuming tubig.

Samantala, ang National Water Resources Board ang mamamahala sa paglalaan ng tubig para sa inumin, irigasyon at paggawa ng kuryente.

Facebook Comments