DepEd 6, inaprobahan ang 86 na mga pribado at pampublikong eskwelahan Aklan para sa limited face to-face classes

30
Kalibo, Aklan — Aprobado na ng Department of Education (DepEd) 6 ang 86 na mga pribado at pampublikong eskwelahan sa Aklan para sa expansion phase ng limited face to-face classes.
Base sa natanggap na Memorandum No. 204 series of 2022 ni Schools Division Superintendent Dr. Miguel Miguel Mac Apusin ,CESO V sa ilalim ng Office Order 00-OSEC -2002-003 ay inaprobahan ang 86 na mga pribado at pampublikong eskwelahan sa probinsya base rin sa kanilang hiling.
Sa ginawang balidasyon ng Regional Composite Team ay nasunod naman ng 86 na mga paaralan ang minimum requirements ng DepEd dahilan para sila ay pinahintulutan sa Expansion ng limited face to-face classes.
Facebook Comments