DEPED CENTRAL OFFICE, MINONITOR ANG IMPLEMENTASYON NG LRMIS SA URDANETA I CENTRAL SCHOOL

Isinagawa ng Department of Education o DepEd Central Office ang monitoring activity kaugnay ng implementasyon ng Learning Resources Management and Information System o LRMIS sa Urdaneta I Central School.

Pinangunahan ang monitoring ng kinatawan mula sa DepEd Region 11 na si Ginoong Arnel S. Zaragosa mula sa Mati City, katuwang si Doktor Edgar Olua, hepe ng Curriculum Implementation Division ng Schools Division Office, at ang Learning Resources Management Section team na pinamumunuan ni Doktora Eunice Madriaga.

Tampok sa aktibidad ang masusing pagsusuri sa mga pamamaraan ng pamamahala ng mga kagamitang pampagkatuto, gayundin ang pagsasagawa ng Focus Group Discussion o FGD upang matukoy ang mga hamon sa implementasyon at mapag-usapan ang mga estratehiya para sa mas epektibong paggamit, pamamahala, at pagsubaybay sa mga learning resources.

Binigyang-diin din sa naturang aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga stakeholder sa sektor ng edukasyon upang matiyak na ang mga kagamitang ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto ay dekalidad, angkop, at madaling ma-access ng mga guro at mag-aaral.

Layunin ng naturang monitoring na higit pang mapalakas ang pamamahala sa mga kagamitang pampagkatuto at mapahusay ang suporta sa pagtuturo, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng dekalidad na edukasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments