Mas pinaigting ng School Board ng Dagupan City ang paghahanda para sa pagdiriwang ng National Children’s Month at sa nalalapit na Children’s Summit na naglalayong itaguyod ang kaligtasan, kalusugan, at edukasyon ng mga batang Dagupeño.
Sa isinagawang School Board Meeting, tinalakay ang mga planong programa at inisyatiba na nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan, kabilang ang child safety, disaster preparedness, kalusugan, at edukasyon.
Kabilang din sa mga inihahandang aktibidad ang mga science quiz na inaasahang magbibigay ng pagkakataon sa mgamag-aaral na maipamalas ang kanilang kaalaman at kakayahan.
Katuwang ng School Board sa paghahanda ang mga kinatawan mula sa sektor ng edukasyon at iba pang mga stakeholder upang matiyak ang pagkakaroon ng mas ligtas at makabuluhang karanasan sa pagkatuto para sa mga kabataang Dagupeño.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga paaralan, at mga katuwang na organisasyon, layunin ng mga inihahandang programa na higit pang mapangalagaan ang karapatan, kaligtasan, at kinabukasan ng bawat batang Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











