DepEd election task force, hanggang alas-5 ng hapon na lang

Hanggang alas-5:00 ng hapon na lang naka-activate ang Department of Education o DepEd Election Task Force, para sa 2025 national and local election.

Nasa 522 na kabuuang insidente ang naitala ng DepEd Election Task Force Command Center na mula sa iba’t ibang rehiyon simula sa pagsasara ng mga polling precinct kagabi hanggang kaninang umaga.

Karamihan sa mga ulat ay tumatalakay sa mga aberya sa automated counting machines o ACMs.

Ang mga nakalap na datos mula sa reports ay pormal na isusumite at ieendorso sa Commission on Elections o Comelec at iba pang ahensya para sa mas malawakang pagsusuri at kaukulang aksyon.

Facebook Comments