6th Infantry Division ng Philippine Army, may bagong commander

85

Nanguna si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa isinagawang Change of Command at Retirement Ceremony sa pagreretiro sa Serbisyo ni 6th Infantry Division (6ID) Commander Maj. Gen. Juvymax R. Uy nitong weekend sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ipinalit sa kaniya at pormal nang nanungkulan bilang acting 6ID Commander si Brig. Gen. Eduardo B. Gubat.

Si Uy, na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 ay nagsilbi ng 37 taong sa Philippine Army.


Pinuri ni Lt. Gen. Brawner si Uy sa kaniyang “dedicated” at “oustanding” na serbisyo sa Philippine Army, at para sa kaniyang tagumpay sa pagtiyak ng ligtas, mapayapa at maayos na halalan sa area of responsibility ng 6ID.

Hinikayat naman ni Lt. Gen. Brawner ang mga tropa ng 6ID na ibigay rin ang kanilang buong suporta sa kanilang bagong Commander na si BGen. Gubat.

Si BGen. Gubat na dating Commander ng 603rd Infantry Brigade ng 6ID, ay miyembro ng PMA “Sambisig” Class of 1991.



Facebook Comments