Wednesday, July 15, 2026

COC filing sa special election sa Dasmarinas, Cavite, umarangkada na

Pormal nang nagbukas ngayong araw ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa posisyon ng kongresista ng 4th District ng Cavite.

Ito ay para sa kapalit ni dating Congressman Kiko Barzaga na pinatalsik ng mga kapwa mambabatas noong nakaraang buwan.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), dalawa ang naghain ng kanilang kandidatura ngayong hapon.

Ito ay sina dating Dasmariñas, Cavite Vice Mayor Rex Mangubat at Marvin Dupal-ag.

Tatagal naman ang paghahain ng COC hanggang sa Biyernes, July 17 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Idaraos ng poll body sa August 29 ang special elections para sa lungsod na may mahigit 400,000 na botante.

Facebook Comments