Detalye ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Amerika pinaplantsa pa ng DFA

Pinaplantsa pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na nagpapatuloy ang kanilang pagpaplano, kabilang na ang magiging petsa at mga isyung tatalakayin sa pulong.

Matatandaang kinumpirma ni Pangulong Marcos na babiyahe siya sa US para makipagpulong kay US President Donald Trump.


Nais niyang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa kalakalan, depensa, seguridad, at ang bagong immigration policy ni Trump.

Una na ring nagka-usap ang dalawang lider sa telepono nang magpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos sa pagkakapanalo ni Trump sa US Election.

Facebook Comments